Vendor Info Center

Create your online

Success story

Mag Signup at Magbenta Online ng inyong mga Produkto at Serbisyo

Frequently Asked Questions

Paano ba magbenta online?

Para kayo ay makabenta “online”, kailangan mong mag pa rehistro gamit ang iyong “email.” Sundan lamang ang steps sa pag register ng iyong account at pag upload ng iyong valid ID. Lahat ng mga registration ay aming ni re-review para masisigurong maayos ang ating online palengke. Pag na approved, pwede na kayo gumawa ng inyong online tindahan.

Paano ako mababayaran ng customer?

Ang BentaOnline.com ay parang isang malaking “farmers market” o palengke. Ang customer ay bibili sa pamamagitan ng pag “shopping” sa inyong online tindahan, gamit ang aming mga “selling tools” at babayaran nila kayo ayun sa gusto nyong paraan ng pagbayad – credit card, bank deposit, pera padala, GCash o PayMaya at marami pang iba.

Eto ba ay ligtas gamitin?

Katulad ng ibang “online shopping stores”, kinakailangan may pag-iingat kung kayo ay nakiki pag transaksyon sa mga customer o mamimili. Mas ligtas kung gagamitin ninyo ang BentaOnline.com sa inyong pag bebenta at pag kolekta ng bayad, at umiwas sa mga usapang walang kasiguruhan. Pwede ninyo i-report kung may mga malisyosong kaganapan.

May tulong ba kung may mga katanungan?

Ang BentaOnline.com ay handang tulungan kayo para makapag umpisa kayong makapag benta online. Meron kaming mga tutorials at tips paano gawin ang inyong online tindahan – sa paglista ng inyong mga produkto na ibebenta, paglagay ng mga pictures/photos, presyo, imbentaryo, at ayuda para sa pag “ship” o deliver ng inyong mga produkto.